(REUTERS) – Ang Charlotte Bobcats leading scorer na si Kemba Walker ay hindi muna makakalaro sa susunod na 10 hanggang 14 na araw dahil sa na-sprain na kaliwang ankle, ayon sa pahayag ng team nito.
Si Walker na may average point production na 18.7 points at limang assists kada laro para sa Bobcats ngayong season na siyang pinakamataas ay nagtamo ng injury sa ikatlong yugto ng kanilang laban sa Miami Heat nitong Linggo sa oras ng Pilipinas kung saan sila ay natalo sa score na 104-96 sa overtime.
Bagaman nag-negative sa mga naging X-Ray, sa isinagawang magnetic resonance imaging (MRI) exam ay lumitaw na may second degree sprain si Kemba.
Ang point guard na ito ng Charlotte Bobcats ay isa sa mga pinaka-exciting sa mga batang manlalaro sa NBA.
(Reporting by Mark Lamport-Stokes in Los Angeles; Editing by Gene Cherry)