Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pinsala ng Bagyong Agaton, umabot na sa halos P329 milyon

$
0
0
IMAGE_UNTV News_JAN202014_PHOTOVILLE International_BROKEN BRIDGE

Ang nasirang tulay sa Cateel, Davao Oriental na kabilang sa mga damages ng ng nagdaang Low Pressure Area na kalaunan ay na-develop sa pagiging Tropical Depression na si Agaton. (Photovillle International)

MANILA, Philippines – Umakyat na sa P328-milyon ang halaga ng pinsala ng Bagyong Agaton sa agrikultura at imprastraktura sa buong Mindanao.

Batay sa tala ng NDRRMC, umabot na ng P125,383,750 ang nasira sa imprastraktura, habang P203,430,586 naman sa agrikultura na tinatayang nasa mahigit walong libong ektarya ng lupain.

Sa ngayon ay mahigit pitong daang mga bahay ang totally damaged at mahigit isang libo ang partially damage.

Mahigit na rin sa 150-libong pamilya ang inilikas dahil sa matinding pagbaha sa Davao Region, CARAGA at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Hanggang sa ngayon ay suspendido ang klase sa malaking bahagi ng Surigao Del Norte at Compostela Valley.

Marami rin ang apektado ng landslides at flashfloods.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, umabot na sa 40 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyo, 65 ang sugatan, habang 6 ang nawawala at patuloy na hinahanap.

Isa sa mga nasawi ay mula sa Zamboanga Del Norte, 3 sa Misamis Oriental at Occidental, 18 sa Compostela Valley at Davao Oriental at Occidental, at 18 sa CARAGA Region.

Umabot na rin sa 153,193 pamilya o 723,517 indibidwal ang apektado ng mga pagbaha sa 15 probinsya ng Regions X, X1 at CARAGA.

Marami ang nagkusa nang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Pahirapan naman ngayon ang pagdadala ng mga relief goods dahil umabot na sa 59 kalsada at 24 tulay ang hindi madaanan bunsod pa rin ng baha at landslide. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481