MANILA, Philippines – Positibo ang naging reaksyon ng mga foreign community sa paglulunsad ng Pilipinas sa website na “Open Data Philippines”.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang prinsipyo ng Open Data Philippines ay ibinatay sa public access to information at hindi sa prinsipyo ng Freedom of Information Bill (FOI) kaya ang Open Data ay hindi substitute sa FOI bill.
Noong nakaraang linggo ay inilunsad ang Open Data Philippines.
Nakapaloob dito ang mga impormasyon katulad ng pondo at paggastos ng mga departamento ng pamahalaan.
Ipinauubaya na lamang ng Malacañang sa mga mambabatas ang mabilis na pagpapasa sa FOI bill. (UNTV News)