Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

“Ikaw Ama Ang Tangi Kong Minamahal”, tinanghal na “song of the week” sa ASOP TV

$
0
0
Ang tinanghal na A Song of Praise song of the week nitong Linggo, “Ikaw Ama Ang Tangi Kong Minamahal” sa komposisyon ni Ralph Lauren Refil at sa interpretasyon ni Gail Blanco. (MARVIN PONGOS / Photoville International)

Ang tinanghal na A Song of Praise song of the week nitong Linggo, “Ikaw Ama Ang Tangi Kong Minamahal” sa komposisyon ni Ralph Lauren Refil at sa interpretasyon ni Gail Blanco. (MARVIN PONGOS / Photoville International)

MANILA, Philippines — Sa unang pagsali pa lamang sa A Song of Praise o ASOP Music Festival ng baguhang kompositor na si Ralph Lauren Refil, napili agad ang komposisyon nito bilang “song of the week” ngayong linggo.

Ang awiting “Ikaw Ama Ang Tangi Kong Minamahal” ang napusuan ng mga huradong sina Ito Rapadas, Tina Paner at ASOP regular judge na si Mon Del Rosario.

Muling binigyang buhay ni ASOP 2012 song of the year interpreter na si Gail Blanco ang naturang entry.

Pahayag ni Ralph, “kinakabahan po ako nung una, nung pagkanta na po ni ma’am Gail, ‘di ko po expect talaga na ganito po na kami po ‘yung papalarin po na manalo po sa ASOP TV, at nagpapasalamat po ako una sa Dios at kay ma’am Gail.”

Aminado naman si Gail na mas forte nya ang power ballad na genre kaya’t mas nabigyan nya ng madamdaming rendisyon ang naturang awit.

“Thank you at napili uli ako to interpret. So, excited ako uli to do this song tsaka sobrang ganda ng song.  Sobrang nagustuhan ko siya while singing it,” pahayag ng singer.

Dinaig ng naturang awit ang mga entry nina Armand Vitug na “Salamat Po Ama” sa interpretasyon ni Angelito Castillo at ni Alfame Amorillo na “I’d Rather Lose My Everything” sa rendisyon naman ni Almira Cercado. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481