MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Senate President Franklin Drilon na hindi maaring ma-impeach si Pangulong Benigno Aquino III ng dahil lamang sa pakikipag-usap nito kay Senator Bong Revilla Junior sa kasagsagan ng impeachment trial ni dating chief justice Renato Corona.
Ayon sa senador, ang pakikipagkita ni Aquino kay Revilla noong 2012 ay hindi isang impeachable offense.
“Of course not. It is not impeachable. It is all part of politics, those statements.”
Sinabi pa ng Vice Chairman ng Liberal Party (LP) na hindi malinaw para sa kanya ang mga detalye ng breakfast meeting nina Aquino at Revilla.
“I do not know the circumstances as far as the… is concerned. There is a claim by Sec. Mar Roxas that Sen. Revilla wanted to discuss the cityhood of Bacoor. On the other hand, Sen. Revilla said he went to the President because of the impeachment. So there are two versions.”
Sumang-ayon naman ang ilang senador dito.
Ayon kay Senador Tito Sotto, “Well, I don’t know if there is a legal impediment. I don’t think so. Yun talaga ang tawag dun eh. It’s a political exercise. Hindi ko sinasabing tama, hindi ko rin sinasabing mali. Ang sinasabi ko, there is no legal impediment.”
“There’s no reason for us not to talk about many things. There’s nothing irregular. It’s not a ground for impeachment,” saad naman ni Senador Ralph Recto.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento hinggil sa isyu ang ilang senador.
Ayon kay Senator Lito Lapid, “Yung kay Bong at tsaka kay President labas nako dun. Ayoko nang sagutin yun dahil wala naman akong alam dun.”
“Bingi ako sa mga tanong na hindi related sa aking adbokasya,” paiwas na pahayag ni Senadora Loren Legarda.
Ayon naman ni Enrile, “I don’t think so. I do not know what they discussed. I will not deal with this, my dear.”
Sa kanyang privilege speech nitong Lunes, sinabi ni Revilla na kinausap ito noon ni Pangulong Aquino upang bumoto sa pag-impeach kay Corona na isa umanong paglabag sa kalayaan ng lehislatura.
Agad naman itong sinagot ng Malacañang at kinumpirma ang pag-usap, ngunit itinanggi na hiniling ng Pangulo na bumoto pabor sa conviction ng dating chief justice.
Nilinaw kanina ni Revilla na hindi nito hangad na ma-impeach si Pangulong Aquino.
Aniya, “Yung sakin lang ay yung pangamba, na kung nagawa niya yun kay Corona ay maaaring magawa nya rin to sa amin, na makialan siya sa Ombudsman, sa Sandiganbayan. Yun lang ang aking pangamba,” anang senador. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)