Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

NDRRMC: Naitalang nasawi sa pananalasa ni Agaton, 45 na

$
0
0
FILE PHOTO: Isang nasirang tulay sa Cateel, Davao Oriental dahil sa pananalasa ng isang Low Pressure Area na naging Tropical Depression Agaton. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Isang nasirang tulay sa Cateel, Davao Oriental dahil sa pananalasa ng isang Low Pressure Area na naging Tropical Depression Agaton. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines – Umabot na sa 45 ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa bahagi ng Mindanao.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), walo na ang nawawala, habang 68 ang sugatan mula sa Zamboanga, Davao at CARAGA Regions.

Umakyat na rin sa 186,543 pamilya o 895,572 indibidwal mula sa labinlimang probinsya sa Mindanao ang apektado ng bagyo.

Hindi pa rin madaanan ang 50 kalsada at 25 tulay sa Regions 8, 10, 11 at CARAGA sanhi ng mga nangyaring landslides.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit P369-milyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.

Sa ngayon ay patuloy nang namamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Units (LGU’s) at Department of Health (DOH) sa Region 9 at CARAGA. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481