Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Groundbreaking ceremony ng Metro Manila Skyway Stage 3, pinangunahan ni Pangulong Aquino

$
0
0
Pinangunahan ni President Benigno  Aquino III ang paglulunsad ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project nitong Miyerkules, January 22, 2014. Ang proyektong ito ay may haba na 14.82-kilometro, na may hanggang anim na elevated lane mula Skyway hanggang Buendia, Makati, at  Balintawak, Quezon City. (MALACAÑANG PHOTO BUREAU)

Pinangunahan ni President Benigno Aquino III ang paglulunsad ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project nitong Miyerkules, January 22, 2014. Ang proyektong ito ay may haba na 14.82-kilometro, na may hanggang anim na elevated lane mula Skyway hanggang Buendia, Makati, patungong Balintawak, Quezon City. (MALACAÑANG PHOTO BUREAU)

MANILA, Philippines – Pinangunahan kaninang umaga, Miyerkules ni Pangulong Benigno Aquino III ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Metro Manila Skyway Stage 3.

P26.7 billion ang halaga ng proyekto na magpapasimula sa darating na Abril.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang proyekto ay bahagi ng Metro Manila Skyway System na ang layon ay mapabilis ang biyahe ng mga motorista patungong hilaga at katimugang Luzon.

“Maliwanag po: mababawasan ang traffic sa EDSA at sa iba pang pangunahing kalsada sa kalakhang Maynila, dahil madaragdagan ang kalsadang puwedeng tahakin patungo sa katimugan at hilagang bahagi ng Luzon. Tinatayang 55,000 na sasakyan araw-araw ang ikaluluwag ng mga kalsadang ito.”

Ang 14.8 kilometers Skyway Stage 3 ay magpapasimula mula sa dulo ng Skyway 1 sa Buendia, dadaan ng Osmeña Highway, Quirino Avenue hanggang Plaza Dilao, tatawid ng Pasig River hanggang sa likod ng SM Sta. Mesa, at magpapatuloy hanggang G. Araneta Avenue na tatawid sa Aurora Boulevard, E. Rodriguez at Quezon Avenue papuntang Sgt. E. Rivera, sa A Bonifacio diretso hanggang Balintawak.

Inaasahang sa taong 2017 ay matatapos na ang naturang proyekto. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Ang kahabaan ng sasakupin ng  itatayong Metro Manila Skyway Stage 3 na siyang halos magdudugtong sa NLEX at SLEX. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

Ang kahabaan ng sasakupin ng itatayong Metro Manila Skyway Stage 3 na siyang halos magdudugtong sa NLEX at SLEX. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481