Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sevilla, aminadong may “tara” system sa BOC

$
0
0
Si BOC Commissioner John Philip Sevilla sa Senate hearing ng Committee on Agriculture and Food nitong Miyerkules, January 22, 2014 kaugnay sa rice smuggling sa bansa. (UNTV News)

Si BOC Commissioner John Philip Sevilla sa Senate hearing ng Committee on Agriculture and Food nitong Miyerkules, January 22, 2014 kaugnay sa rice smuggling sa bansa. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inamin ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner John Philip Sevilla sa Senate hearing ng Committee on Agriculture and Food ang pagsunod ng kawanihan sa tinatawag na “tara” system.

Kilala ang ‘tara’ system sa pagbibigay ng grease money, payroll o padulas sa mga shipment.

Pinasimulan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang nasabing isyu sa isinasagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa rice smuggling nitong Miyerkules.

Aminado si Sevilla na mahirap baguhin o alisin ang ‘tara’ system sa BOC.

Samantala, meron man o walang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), sinabi ng BOC na tanging ang National Food Authority o NFA lamang ang pwedeng mag-import ng bigas.

Nakasaad ito sa Presidential Decree 4 at Republic Act 7178 o ang Agricultural Tariffication Act.

Kasunod ito ng sinabing polisiya ni Senator Cynthia Villar na “kapag walang import permit, automatic ay rice smuggling na yan.”

Sinabi ni Sevilla na may application form ang mga importer bago makapag-angkat ng bigas. Kinakailangang makumpleto muna ang requirements na hinihingi lalo na ang mga dokumento sa BOC na nagsasabing bayad na ang kanilang taripa.

Paliwanag ni Sevilla, minsan ay wala nang import permit, hindi pa nakakapagbayad ng taripa, kung kaya’t malinaw na may nagaganap na smuggling. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481