MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilang pulis dahil sa umano’y pagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.
Dahil dito, nagbabala si NCRPO Regional Director Carmelo Valmoria na strikto nilang imomonitor kung ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho.
“Gawin niyo trabaho niyo wala kayo problema sa akin.”
Ayon pa kay Valmoria, seryoso sila sa kampanya na mapababa ng 50-porsiyento ang crime rate sa Metro Manila sa taong 2015.
Kaya’t bukod sa pagpapaigting ng presensya ng pulis sa lansangan sa pamamagitan ng 24/7 checkpoints at pagdedeploy ng maraming nakamotorsiklong pulis, nagbabantay rin sila sa mga gawain ng kanilang mga kawani.
Mahaharap sa kasong neglect of duty ang pabayang pulis at nakadepende sa bigat ng kaso ang magiging parusa dito. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)