MANILA, Philippines — Libu-libong trabaho ang naghihintay sa mga gustong magtrabaho sa call center ngayong 2014.
Ayon kay Jojo Uligan, Executive Director ng Contact Center Association of the Philippines (CCAP), nasa 150-libong call center agents ang kaya nilang tanggapin ngayong taon.
“As we grow there are opportunities also in the … careers. Call center agents will be promoted to supervisors or managers.”
Dagdag pa nito, nangunguna pa rin ngayon ang Pilipinas pagdating sa industriya ng call center.
“2010 when we have overtaken India, and we continuous to be number 1. 2011, 2012, 2013.”
Walang pinipiling kurso ang karamihan sa mga call center kaya’t maaari itong subukan kahit ng mga bagong graduate o first time palang mag-eempleyo.
Ayon sa CCAP, marami pang call center company ang magbubukas ngayong taon na may kaugnayan sa healthcare services at maaring aplayan ng mga may medical background gaya ng mga nurse.
Ayon sa DOLE, nasa 300-libo ang over supply na nurse sa bansa kasama na ang halos 11-libong kapapasa pa lamang sa licensure exam.
Ayon kay Ilagan, “Clients sometimes we want our agents ano nurses or who have medical background so may mga opportunity so they don’t really need to go abroad.”
Malaking bahagi ng mga kliyente ng Pilipinas sa call center industry ay ang Estados Unidos habang kasama rin sa sineserbisyuhan ang United Kingdom (UK), Australia, New Zealand, Middle East at ilang bansa sa Asya.
“Pinoys are trainable. We can really train them we have the skills yung culture natin alam mo ang Pinoy-friendly.”
Sa taya ng CCAP, nasa 15-20% ang kanilang growth rate noong nakaraang taon at wala silang nakikitang banta kahit magsulputan ang mga bagong gadget at iba pang teknolohiya.
“Not all people will love to talk to the machine. You want to talk to people to help you. Baka additional client pa yun,” saad pa ni Ilagan. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)