MANILA, Philippines – Tuloy na ang oral arguments sa Korte Suprema ngayong Martes, January 28 hinggil sa legalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ito ay matapos na hindi pagbigyan ng Kataas-taasang Hukuman ang apela ng Malakanyang na isagawa na lamang sa Marso 25 ang debate upang mabigyan sila ng sapat na panahon sa paglalatag ng kanilang argumento sa kontrobersyal na usapin.
Sa inilabas na desisyon noong nakaraang linggo, pinagsusumite ng Korte Suprema ang Palasyo ng kanilang mga dokumento sa loob ng labinlimang araw habang sa Pebrero naman pinagsusumite ng paliwanag ang legislative department.
Samantala, maaaring subaybayan ang buong pagdinig na ito sa link na ito sa UNTV website: http://www.untvweb.com/livecoverage/
(UNTV News)