
FILE PHOTO: Si Timothy Bradley at ang People’s Champ na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao pagkatapos noong una nilang laban. Sa April 12, 2014 ay nakatakda ang kanilang ikalawang paghaharap. (REUTERS)
MANILA, Philippines – Kasado na ang ikalawang paghaharap nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.
Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, gaganapin ang Pacquiao-Bradley rematch sa Abril 12 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Matatandaang unang nagharap ang dalawa noong Hunyo 2012 kung saan tinalo ng American boxer si Pacquiao via split decision.
Sa kanilang muling paglalaban, pag-aagawan nila ang WBO welterweight title. (UNTV News)