MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong linggong sunud-sunod na rollback, nakaamba na namang tumaas ang presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtaya ng oil industry players, aabot ng P0.50 hanggang P0.70 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Kwarenta hanggang sisenta sentimos naman ang tinatayang itataas sa presyo ng gasolina at kerosene. (UNTV News)