MANILA, Philippines – Nagtalaga ng labing tatlong bagong huwes si Pangulong Benigno Aquino III sa iba’t-ibang korte sa siyam na lalawigan sa bansa.
Batay sa transmittal letter na ipinadala ni Executive Secretary Pacquito Ochoa kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ang mga bagong judge ay itinatalaga sa Bulacan, La Union, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Rizal, Ilocos Sur, Pangasinan at Isabela.
Ang mga naturang huwes ay pinili mula sa shortlist na ipinasa ng Judicial and Bar Council (JBC). (UNTV News)