Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Rep. Rafael Mariano, pinakamahirap na kongresista; Manny Pacquiao, nag-iisang bilyonaryong mambabatas sa Kamara

$
0
0
GRAPHICS: Top 5 Poorest  Congressmen (UNTV News)

GRAPHICS: Top 5 Poorest Congressmen (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi ikinahihiya ni Anakpawis Representative Rafael Mariano na siya ang pinakamahirap na mambabatas batay sa inilabas na Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) ng House of Reprensentatives.

Batay sa kanyang 2012 SALN, may networth lamang si Cong. Mariano ng P92,507.

Mula pa noong 2004 sa 13th Congress, si Mariano na ang may pinakamaliit na networth sa lahat ng mga mambabatas.

Pahayag ng mambabatas, ikinararangal niya kung anoman ang kalagayan niya sa buhay sa kasalukuyan dahil isa lamang siyang anak ng magsasaka sa Quezon Province.

Sinabi pa nito na ang pagiging mambabatas ay hindi nasusukat kung ikaw ay milyonaryo o bilyonaryo.

Aniya, ang mahalaga aniya sa kabila ng pagiging mahirap ay may mga batas siyang naisulong para sa mga marginalized and underrepresented sector na kinakatawan nya sa Kongreso.

“Ang mahalaga ay masigasig kang naglilingkod sa masa yung nararamdaman mo yung kanilang mainit ay mayamang pagmamahal nila sa mga lider at kinatawan ang Anakpawis.”

Bukod kay Mariano, lima pang mambabatas ang may pinakamaliit na net worth.

Narito ang listahan ng Top 5 poorest congressmen:

1. Rep. Rafael Mariano                         P 92, 507

2. Rep. Daisy Fuentes                           P 118,000

3. Rep. Raymond Palatino                 P 205,000

4. Rep. Arlene Bag-ao                           P 230,788.96

5. Rep. Teddy Casiño                            P 446,389.95

 

Samantala, sa ikatlong pagkakataon si Saranggani Rep. Manny Pacquiao pa rin ang pinakamayamang mambabatas at nag-iisang bilyonaryo sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Base sa kanyang SALN, si Congressman Pacquiao ay mayroong net worth na P1.7 billion pesos at walang liabilities o utang.

Narito ang listahan ng Top 5 Richest Congressmen:

  1. Rep. Manny Pacquiao                              P 1.7 billion
  2. Rep. Imelda Marcos                                 P 922.8 million
  3. Rep. Feliciano Belmonte Jr.                  P 817 million
  4. Rep. Alfredo Benitez                                P 702 million
  5. Rep. Julio Ledesma IV                           P 590 million

 

Samantala, ayon naman kay House Secretary General Atty. Marilyn Baura-Yap, natagalan bago  naisapubliko ang SALN ng mga mambabatas dahil kinailangan pa nilang i-review kung tama ang pag-fill up nila sa dokumento. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481