Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Umano’y iligal na bentahan ng pangolin at iba pang wild life sa Palawan, tinututukan

$
0
0
CONTRIBUTED PHOTO: Isang kinatay na anteater na tinitimbang (COURTESY TO THE ORIGINAL SOURCE.)

CONTRIBUTED PHOTO: Isang kinatay na anteater na tinitimbang (COURTESY TO THE ORIGINAL SOURCE.)

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Binabantayan na ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang umano’y iligal na bentahan ng mga hayop lalo na ng mga endangered species sa lalawigan partikular sa lungsod ng Puerto Princesa.

Kamakailan lamang ay mahigit sa limampung patay na anteaters o pangolin, mga palikpik ng pating at shells ang nasabat ng mga awtoridad sa isang barangay sa lungsod.

Ang kargamento na walang kaukulang permit ay isasakay na sana sa eroplano papuntang Metro Manila nang maharang ng mga awtoridad.

Sa pagtaya ng PCSD, aabot sa mahigit isang milyong piso ang kabuoang halaga ng narecover na wild life.

Bunsod nito, tiniyak ng PCSD na paiigtingin nila ang pagbabantay sa bawat munisipyo lalo na sa mga lugar na pinanggagalingan ng wild life na dinadala sa lungsod upang ibenta sa mga turista.

Nasampahan na rin ng kaso ang limang katao na nahulihan ng mga wild life sa Puerto Princesa.

Nananawagan naman ang mga awtoridad na kaagad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang sinomang may nalalaman kaugnay sa naturang iligal na gawain. (Andy Pagayona / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481