MANILA, Philippines — Kasunod ng paglagda ng gobyerno at Moro International Liberation Front (MILF) sa huling annex ng Bangsamoro deal, tututukan ng mababang kapulungan ng kongreso ang pagpapatibay ng basic law para sa pagtatatag ng Bangsamoro political entity.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., pinasusumite na sa lalong madaling panahon ng mga kongresista mula sa Mindanao sa Bangsamoro Transition Commission ang pagbuo ng draft ng Bangsamoro basic law.
Tiniyak naman ni Congressman Belmonte ang lubos na suporta ng kamara sa naturang kasunduan. (UNTV News)