Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DAP, ipagtatanggol ng Solicitor General sa oral arguments ngayong Martes

$
0
0
FILE PHOTO: Ang Abogado ng Pamahalaan, Solicitor General Francis Jardeleza (UNTV News)(

FILE PHOTO: Ang Abogado ng Pamahalaan, Solicitor General Francis Jardeleza (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pagkakataon na ng gobyerno upang panindigan ang legalidad ng Disbursement Acceleration Program o DAP sa pagpapatuloy ng oral arguments ng Korte Suprema ngayong Martes.

Susubukan ng Solicitor General na kumbinsihin ang mga mahistrado na walang nilalabag na batas ang DAP.

Ang Solicitor General ang tumatayong abogado ng gobyerno.

Sa comment sa mga petisyon sa Korte Suprema, sinasabi na isang mekanismo lamang ang DAP upang pabilisin ang paggugol ng gobyerno.

Inumpisan ito noong 2011 para sa mga prayoridad na programa at proyekto ng gobyerno. Pinopondohan ito mula sa savings ng gobyerno at sa unprogrammed fund na bahagi ng taunang budget ng pamahalaan.

Dahil ito ay paraan lamang ng paggugol ng pondo, hindi na umano kailangan magpasa pa ng batas ang kongreso para dito.

Ayon pa sa Solicitor General, may kapangyarihan ang pangulo sa ilalim ng saligang-batas na mag-augment ng pondo ng mga item sa national budget.

Noong Nobyembre pa sinimulan ang oral arguments at naglahad na ng kanilang argumento ang mga petitioner.

Magugunitang hiniling ng Solicitor General na ipagpaliban sa Marso ang debate bukas ngunit hindi ito pinayagan ng Korte Suprema.

Walo sa siyam na mga petisyoner laban sa DAP ang naglabas ng pahayag nitong nakaraang linggo at inakusahan ang gobyerno na pinatatagal ang pagdinig sa isyu.

Kinuwestiyon sa Korte Suprema ang legalidad ng DAP dahil sa umano’y kagaya lamang ito ng pork barrel na discretionary at lump sum ang pondo.

Ngunit ayon mismo kay Pangulong Aquino, malayo ang pagkakaiba ng DAP sa PDAF. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481