MANILA, Philippines – Magtataas na rin bukas, Miyerkules, sa presyo ng mga produktong petrolyo ang kumpanyang Seaoil.
Epektibo bukas ng madaling araw, tataas ng P0.45 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.60 naman sa diesel.
Tataas naman ng P0.55 ang kada litro ng kerosene.
Una nang nagtaas ng kaparehong halaga ang Shell, Petron at Ptt Philippines ngayong araw ng Martes. (UNTV News)