Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

FOI bill, posibleng maging legacy ng Pangulo bago matapos ang termino – Tañada

$
0
0

FILE PHOTO: Freedom of Information bill author Congressman Lorenzo “Erin” Tañada III and President Benigno Aquino III signing a law. (RITCHIE TONGO / Photoville International / UNTV News)

MANILA, Philippines – Tiwala si Quezon Representative Erin Tañada na maipapasa ang Freedom of Information (FOI) bill bago matapos ang kaniyang termino sa Hunyo.

Ayon sa mambabatas, hindi naman tutol si Pangulong Benigno Aquino III na maisabatas ang naturang panukala.

“May mga kasamahan sa Malacañang na nakipag-usap sa mga advocates kung ano yung kailangang tingnan na probisyon para mas balanse ang naturang panukalang batas.”

Sinabi pa ni Tañada na kung noong senador pa lamang ang pangulo ay sinang-ayunan na nito ang FOI Bill ay walang dahilan para kontrahin ito ngayon ng Punong Ehekutibo.

“Tingin ko sa 16th Congress, pwedeng maging legacy ng ating pangulo itong Freedom of Information at kampante naman ako na itoy itutulak ng administrasyon bago siya ay bumaba bilang pangulo ng bansa.”

Tiniyak din ng mambabatas na hindi rin pababayaan ng kanyang mga co-author sa kamara na mamatay ang isinusulong nilang FOI bill. (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481