Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Oil smuggling, posibleng lumala kapag kinulang sa supply — FPI

$
0
0
FILE PHOTO: Federation of Philippine Industries President Jess Aranza (UNTV News)

FILE PHOTO: Federation of Philippine Industries President Jess Aranza (UNTV News)

MANILA, Philippines — Posible umanong umangkat na ng mantika ang Pilipinas matapos na masalanta ng nagdaang mga bagyo ang milyong-milyong puno ng niyog sa Visayas.

Sa nakuhang datos ng Federation of Philippine Industries (FPI) mula sa Philippine Coconut Authority (PCA), nasa 34-milyong puno ang napinsala ng Super Typhoon Yolanda, habang limang milyon naman ang nasira ng Bagyong Pablo sa Mindanao.

Ayon kay FPI President Jess Aranza, matatagalan pa bago makabawi at maibalik sa dating sigla ang produksyon ng niyog na pangunahing pinagkukunan ng mantika sa bansa.

Limitado rin aniya ang mapagkukuhanan ng binhi nito dahil apektado ng peste ang taniman ng niyog sa Quezon at Bicol.

“In other words the rehabilitation, it will take time.”

Nakikita rin ng grupo na posibleng umangkat ang bansa ng palm oil kung kukulangin sa supply ng mantika.

Nauna nang sinabi ng PCA na tumaas ng limang piso ang kada litro ng mantika pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Yolanda at posibleng umabot pa sa 10 piso ang itataas nito ngayong taon.

“Habang ginagawa yun siyempre pataas ng pataas yung presyo ng coconut. Papasok ngayon dito yung mga palm oil. Hanggang sa mababang uri yan. Temporarily magkakaroon yan ng switching, for other countries they will buy palm oil. Except yung gamit sa coconut na di pwede gayahin ng palm oil like sa mga chemicals,” pahayag pa ni Aranza.

Ilan sa mga bansang may maraming tanim na pinanggagalingan ng palm oil ay ang Indonesia at Malaysia.

Ayon sa PCA mahigit sa 56-libong ektarya na ang nataniman sa bansa, at tinatayang nasa 1 milyong ektarya pa ang maaaring pagtaniman nito.

Sa roadmap ng PCA para sa industriya ng palm oil, makikinabang ang nasa 300-libong magsasaka pagdating ng 2023.

Samantala, nangangamba naman ang mga manufacturer na masamantala din ng mga smuggler ang kakulangan ng mantika sa bansa.

Ani Aranza, “Kung ngayon nga ay ini-smuggle nila lalo na kung may gap na malaki di ba. Lalong ma-entice yan na mag-smuggle sapagkat they can price it higher.”

Dagdag pa nito, maraming istilo na rin ang ginagamit ng mga smuggler upang mailusot ang kanilang produkto. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481