Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DepED, muling ipinaalala sa mga paaralan ang “no collection” policy

$
0
0
FILE PHOTO: Students orientation on the opening of classes for school year 2012-2013 in a school in General Santos City. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Sa pagbubukas ng klase ay ino-orient ng class adviser ang mga estudyante nito. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines – Isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa, muling ipinaalala ng Department of Education (DepED) ang ipinatutupad na “no collection” policy sa lahat ng paaralan.

Sa ipinalabas na revised guidelines ng DepED, bawal mangolekta ng anumang kontribusyon sa buong school year mula kindergarten hanggang grade 4.

Para sa grade 5 hanggang high school, maaari lamang mangolekta ng kontribusyon pagdating ng Agosto hanggang sa pagtatapos ng klase ngunit hindi rin ito sapilitan.

“Mahigpit po ipinagbabawal yan at ang kalihim Armin Luistro ay paulit ulit na ipinalalahanan na hindi po kailangan magbayad ng kahit anuman para lang ma-enroll lang ang kanilang mga anak,” paalala ni DepED Asec. Tonisito Umali.

Ayon pa sa DepED ang mga pinahihintulutan lamang na bayarin ay ang para sa boy scout at girl scout fee na nagkakahalaga ng P50 bawat mag-aaral; red cross fee (P35); at anti-TB fund drive (P5).

Kasama rin dito ang school publication fee na P60 sa elementary at P90 sa high school; at ang membership fee ng estudyante sa isang school organization.

“May mga bagay na itinadhana ng batas na pinahihintulutan ng batas na mangolekta nh donasyon. uulitin ko po ito po ay donasyon at di po ito sapilitan,” pahayag pa ni Umali.

Payo ng DepED, kaagad ipagbigay-alam sa kanilang hotline nos. 636-1663 o 663-1942 at 0919-456-0027 kung may lumabag sa kanilang polisiya.

Maaari ding mag-email sa action@deped.gov.ph(Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481