Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Panukalang pagbabalik ng ‘death peanalty’ sa bansa, pagaaralan muna ni Pangulong Aquino

$
0
0
“Palagay ko hindi kumpleto, hindi yan yung kaisa-isang solusyon (ang death penalty) para sa deterrence. Mas deterence siguro yung katiyakang na makukulong ka o mahuli ka kapag may ginawa kang krimen.” — President Benigno Aquino III (File Photo by the Malacañang Photo Bureau)

“Palagay ko hindi kumpleto, hindi yan yung kaisa-isang solusyon (ang death penalty) para sa deterrence. Mas deterence siguro yung katiyakang na makukulong ka o mahuli ka kapag may ginawa kang krimen.” — President Benigno Aquino III (File Photo by the Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Pag-aaralang mabuti ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magbabalik ng death penalty dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng karumal-dumal na krimen sa bansa.

Ayon kay Pangulong Aquino, kailangan munang matiyak sa kasalukuyan ang sistema ng hustisya sa bansa.

“Ang tanong nabigyan ba lahat ng kaniyang karapatang mapagtanggol ang sarili sa korte, yun bang talagang nakakasigurado tayo na ang inosente ay hindi mako-convict at sad to say yan ay work in progress pa rin.”

Dagdag pa ng pangulo, “Hanggang hindi tayo nakakatiyak na talagang nabigyan lahat ng kaniyang hustong karapatan para ipagtanggol ang kaniyang sarili yung pag tayo’y may sinentensyahan ng kamatayan, wala ng bawian yun.”

Ipinanukala ni Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III na i-revive ang Republic Act Number 7659 o Death Penalty Law sa pamamagitan ng pagsusumite ng Senate Bill No. 2080 o tinatawag ding “An Act Imposing Death Penalty”.

Ayon sa senador, ang naturang panukala ay dahil na rin sa lumalaking bilang ng karumaldumal na krimen sa bansa. Giit nito, noon pa man ay subok na ang death penalty lalo na sa drug trafficking case

“Nung mag martial law nung i-firing squad si Lim Sing halos magsasampung taon bago uli nagkaroon ng drug trafficking sa Pilipinas eh kasi di natin sinasample eh,” saad ng senador.

Ngunit naniniwala ang Pangulo na hindi ito ang pangunahing solusyon upang mapababa ang krimen sa bansa.

Ayon kay Aquino, “Palagay ko hindi kumpleto, hindi yan yung kaisa-isang solusyon para sa deterrence. Mas deterence siguro yung katiyakang na makukulong ka o mahuli ka kapag may ginawa kang krimen.”

Sa kasalukuyan ayon sa Pangulo, pagaaralan din muna niyang mabuti ang panukalang batas na inihain sa kongreso.

Samantala, kuntento naman si Pangulong Aquino sa iniulat ng Philippine National Police (PNP) na total crime volume noong 2013.

Sa isinagawang pag-aaral ng Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP, lumabas na noong 2013 pumalo sa mahigit isang milyon ang total crime volume na mas mataas kumpara sa mahigit sa 200-libong naitala noong 2012.

“Kung itinatago o hindi ipinapaalam yung dapat na i-solve na krimen dahil gustong magpaganda ng kanilang crime solution report, e di hindi natin nasosolve yung krimen na yan so pwedeng magkaroon ng perception na dumami ang krimen dahil nga mas angkop yung datos,” pahayag pa ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481