Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Supply ng kuryente sa bansa ngayong 2014, sapat — DOE

$
0
0
FILE PHOTO: Meralco electric transformer (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Meralco electric transformer (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ni Energy Secretary Carlos Jericho Petilla ang electricity supply at demand outlook sa Visayas sa darating na tag-araw sa hearing ng Joint Congressional Power Commission (JCPC) kanina, Huwebes.

Ayon kay Petilla, inaasahang tataas ang demand sa kuryente pagsapit ng summer season dahil sa pag-reconnect ng mga bahay at establisyimento sa mga power grid para sa kanilang mga kagamitan.

“So, actually, for those sa summer, umaabot ng hanggang 6 hours ang brownout, posibleng + 3 pesos ang idadagdag sa kuryente. That’s only during summer and when we use the genset.”

Sinabi ni Petilla na naging mababa ang demand sa kuryente sa mga lugar na matinding sinalanta ng Bagyong Yolanda, partikular na sa eastern at western Visayas.

Aniya, sa Visayas grid, ang outlook para sa summer ay 1,781 mw na may 25-mw reserve.

“In the Visayas, the supply and demand has been adjusted due to the recent typhoon. If you can see, there is a gap between demand and supply, and this is due to the fact that the geothermal in Leyte, although it’s operating now at around… it has a 500 MW dependable capacity, but it’s only producing less than 300.”

Dagdag ni pa ni Petilla, bumagsak ang demand sa kuryente sa Leyte at Samar matapos ang bagyo. Mula sa dating konsumo na 45 mw ay bumaba ito sa 2 mw.

Sa kabuoan, naniniwala si Petilla na magiging sapat ang supply ng kuryente sa Visayas, maging sa Luzon at Mindanao ngayong 2014 sa kabila ng mga ulat ng malawakang blackouts bunsod ng power rate hike.

“We projected outages. We have an average factor for outages here, but the unforeseen outages, we want to keep that margin.”

Dagdag pa ni Petilla, “We are not anticipating any problem. We were not able to project the outages that we have. So we are also verifying if there are any technical problems with all the committed power projects coming in.”

Ayon naman kay Committee Chairman Senator Sergio Osmeña III, dapat na mas pagtuunan ng pansin ng taumbayan ang supply ng kuryente kaysa presyo nito.

“We will have a tightening of supply, but in the report of the sec, 400 MW will be added to the Luzon grid by the end of the year, and maybe another 300 MW next year,” saad nito. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481