Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pilipinas, nananatiling isa sa best performing economies sa buong Asya — NEDA

$
0
0

Tanaw sa mula sa tulay na ito ang linya ng mga nagtataasang gusaling pangkomersyo sa Lungsod ng Makati na sumasagisag umano sa malusog na ekonomiya ng bansa. Ayon sa NEDA, ang Pilipinas ay isa sa mga best performing economies sa buong Asya. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pananatili ng Pilipinas bilang isa sa best performing economies sa buong Asya sa nakalipas na dalawang taon.

Ayon sa NEDA, nakapagtala ng 6.5% sa fourth quarter ng taong 2013 ang ekonomiya ng Pilipinas, samantalang 7.2% ang Gross Domestic Product o ang pangkalahatang market value ng mga produktong domestiko ng bansa.

Sa datos na ipinakita ng NEDA, pumapangalawa ang bansa sa China na mayroong 7.7% Gross Domestic Product.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, aabot ng 7% to 7.3% ang GDP ng bansa kung hindi nanalasa ang Super Tyhpoon Yolanda.

Dagdag pa nito, maaari pang makita ang epekto ng Typhoon Yolanda sa ekonomiya ng bansa hanggang sa unang bahagi ng 2014.

“Yolanda came in the last quarter so you will expect to see the effect of it until the first quarter.”

Malaki ang naitulong ng financial sector sa ekonomiya ng 2013 na may 9.9%; industry sector na may 12.3%; manufacturing sector na may 10.5%, at export sector na may 6.4%

Naniniwala ang NEDA na mananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa ngayong 2014.

Inaasahang ang services at industry sector ang magpapalakas sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.

Maging ang pagtatayo ng mga malalaking infrastructure projects gaya ng Metro Manila Skyway ay makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Nakikita ng NEDA ang paglakas ng piso ngayong taon at magiging malakas pa rin ang suporta ng ibang bansa pagdating sa Business Process Outsourcing (BPO).

Samantala, sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma na nananatiling nakabantay ang pamahalaan sa anumang hamon at banta sa ekonomiya na maaaring kaharapin ng bansa.

“Most importantly, government remains focused on achieving inclusive growth by reducing poverty and increasing social protection. The updated Philippine Development Plan emphasizes the spatial or area-specific dimensions of development,” pahayag nito. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481