MANILA, Philippines — Binuwag na ang ilang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) na walang silbi o hindi nagagawa ang kanilang mga mandato.
Ito ang ipinahayag ni Attorney Cesar Villanueva, chairman ng Governance Commission for GOCC sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes.
Ayon kay Villanueva, mula ng buwagin ang Zambonaga Del Norte Rubber Estate Corporation (ZREC) at National Agribusiness Corporation (NABCOR) dahil sa pagkakasangkot sa pok barrerl scam, marami pang GOCC’s ang binuwag na.
“We want to make sure that there’s no GOCC that operating out there that is not fulfilling the nation mandate,” saad nito.
Kabilang sa mga binuwag ng GOCC’s ang Human Settlements Development Corporations (HSDC), Philippine Agricultural Development and Commercial Corporation (PADCC), San Carlos Fruit Corporation, The Philippine Fruit and Vegetable Corporation, The Southern Philippine Development Authority, at iba pa.
Nakatakda na ring buwagin ang National Livelihood Development Corp.’s (NLDC) at Technology Resource Center (TRC). (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)