MANILA, Philippines — Dalawa pang mataas na opisyal ng pulis sa Laguna ang inalis sa puwesto kaugnay sa nabunyag na umano’y pag-torture ng ilang pulis sa mga bilanggong nasa kanilang kustodiya.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor, inalis sa pwesto si Laguna Police Director, Senior Superintendent Pascual Muñoz Jr., at ang kanyang intelligence chief na si Superintendent Kirby John Kraft.
Una nang na-relieved ang sampung pulis na umano’y nag-torture o nagpahirap sa 41 bilanggo ng Biñan, Laguna.
Maaring matanggal sa serbisyo ang mga ito kung mapatutunayang totoo ang akusasyon sa mga isinasangkot na pulis.
Sa kasalukuyan ay pinagbawalan ng pumasok sa kampo ang mga akusadong pulis habang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Sa inisyal na pagsisiyasat , lumalabas na may paglabag sa polisiya ang mga pulis dahil sa paglalagay ng extension ng detention facility.
Ani Mayor, “Rule dapat kasama police sation hiwalay minor babae lalake.”
“One of the reasons na-relieve sila.”
Sa ngayon ay pinamamadali na ang proseso ng imbestigasyon sa kasong administratibo ng 12 pulis.
Pinag-aaralan na rin kung posibleng may mas mataas pang opisyal na sangkot sa kaso. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)