MANILA, Philippines – Isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ay inilunsad ng Department of Education (DepED) ang Oplan Balik Eskwela (OBE) Information and Action Center.
Tatanggapin ng nasabing action center ang mga reklamo sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa lalo’t inaasahang aabot sa halos 24 na milyong estudyante ang magbabalik-eskwela sa Hunyo 3.
Binuksan din ng kagawaran ang text hotline na 0919-456-0027 kung saan maaaring i-text ang mga reklamo ng mga mag-aaral o mga magulang gayundin ng mga guro. (UNTV News)