Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Military operation vs. Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, itinigil na ng AFP

$
0
0

FILE PHOTO: Ang pwersa ng militar habang nagpapatrolya sakay ng armored personnel carriers sa Shariff Aguak, Maguindanao. [Reuters]

MANILA, Philippines — Itinigil na ng militar ang operasyon nito laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon kay Lieutenant Coronel Ramon Zagala, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nakamit na nila ang target na i-neutralize ang grupo kaya’t inihinto na ang operasyong tinawag na “Dark Horse”.

Sa ulat ng AFP, mahigit sa limampu ang nasawi sa bakbakan at nasa 49 ang sugatan sa panig ng mga rebelde.

Isa naman ang nasawi sa panig ng militar at 20 ang sugatan.

Apat na kuta rin umano ng mga rebelde ang nakubkob ng militar bukod pa sa pagawaan ng improvised explosive device sa Maguindanao.

Sa ngayon ay nagsibalikan na sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente na lumikas dahil sa kaguluhan na sumiklab noong nakaraang linggo. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481