Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Halalan sa ilang lugar sa Thailand, kinansela

$
0
0

Ipinapakita sa media ng mga election officials sa Thailand ang mga balotang kanilang binibiilang. Bagaman natuloy ang snap election para sa pagka-Prime Minister, may mga ilang lugar pa rin ang nag-deklara ng failure of elections. (REUTERS / ATHIT PERAWONGMETHA)

BANGKOK, Thailand — Sa gitna ng mga protesta at karahasan, natuloy pa rin ang snap elections sa pagka-prime minister sa Thailand nitong Linggo.

Sa tala ng Elections Commission, 28 lamang sa halos 400 probinsya ang nagdeklara ng failure of elections bunsod ng kabiguang maghain ng certificate of candidacy ng mga kandidato dahil sa pangha-harang ng anti-government groups.

Ang ilang lugar naman, bagaman may mga tumakbong kandidato, ay hindi pa rin nakapagdaos ng eleksyon dahil pinigil ng oposisyon ang paglilipat ng mga balota pati na ang pagpasok ng mga botante at election officers sa loob ng voting stations.

Sa ngayon ay wala pang mailalabas na resulta ng eleksyon dahil kailangan pang magsagawa ng by-elections sa mga nasabing lugar sa Pebrero 23.

Samantala, tiniyak naman ng oposisyon na naghahanap na sila ng mga ebidensya upang mapawalang-bisa ang ginanap na eleksyon.

Bukod sa maraming botante ang hindi nakaboto, tinitingnan  din ng oposisyon bilang grounds for nullification ang pagsasagawa ng iba pang petsa ng halalan sa mga lugar na nagdeklara ng failure of elections dahil lalabag umano ito sa royal decree na nagsasabing isang araw lang dapat isagawa ang general elections.

Sa ngayon ay may naitala ng ilang insidente ng karahasan sa Bangkok at pinapayuhan ang publiko lalo na ang mga kababayan natin na magingat at umiwas pa rin sa matataong lugar. (Marje Navarro / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481