MANILA, Philippines – Nakaamba na namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtaya ng oil industry players, posibleng tumaas mula P0.30 hanggang P0.50 ang presyo ng kada litro ng gasoline.
Maglalaro naman sa P0.30 hanggang P0.40 ang posibleng idagdag sa presyo ng diesel.
Sakaling matuloy, ito na ang ikatlong sunod na pagtataas ng mga kumpanya ng langis. (UNTV News)