BAGUIO CITY, Philippines — Opisyal nang pinasimulan nitong umaga ng Sabado ang taunang selebrasyon ng Baguio Flower Festival o mas kilala sa tawag na Panagbenga (Panahon ng Pamumulaklak).
Naging makulay at engrande ang pagbubukas ng Panagbenga Festival sa pamamagitan ng flower mardi gras at street dancing na sinaksihan ng libu-libong local at foreign tourists.
“Oh it’s nice since it started. I’m here every year and I love the colors and they make out of this beautiful colorful uniform out of nothing. I really love it and the smile everybody has especially the children,” pahayag ni Bruno Salera na isang Swiss tourist.
Sa pagtaya ng Baguio City Tourism Office, posibleng umabot ng hanggang dalawang milyon ang bilang ng mga turistang magpupunta sa lungsod para makisaya sa month-long celebration ng Panagbenga Festival.
Sa ngayon ay mas madali na ang biyahe patungong Baguio dahil sa binuksang Tarlac, Pangasinan, La Union Expressway (TPLEX).
Pinapayuhan naman ang mga turista na aakyat sa Baguio na magpa-reserve na sa mga hotel bago umalis dahil punuan na ang ilang mga bahay-bakasyunan sa siyudad.
Batay sa programa ng Tourism Office, iba’t ibang aktibidad ang aasahan sa isang-buwang pagdiriwang ng flower festival kabilang dito ang PMA Alumni Homecoming (Feb.15), Session Road in Bloom (Feb. 24-March 2), Handog ng Panagbenga sa Pamilyang Baguio (Feb. 16), Let the Thousand Flowers Bloom, Session Roard in Bloom, Pony Boys’ Day, Grand Street Parade at ang pinakaaabangang Grand Float Parade sa February 23.
“Well we take these opportunities in behalf of the city government to invite all of you brothers and sisters from other provinces municipalities and cities all over the Philippines to come and join us in the city of Baguio and Cordillera Province to join us in the celebration of Panagbenga 2014,” pahayag ni aguio City Mayor Mauricio Domogan. (Bryan Lacanlale / Ruth Navales, UNTV News)