MANILA, Philippines — Mahigit na sa 150 illegal immigrants ang nakakulong ngayon sa Malaysia kabilang dito ang ilang Pilipino sa pagpapatuloy ng crackdown operations laban sa illegal at overstaying foreign workers.
Sa ulat ng state run news agency na Bernama, kabilang sa mga naaresto ang foreign nationals mula sa Bangladesh, Indonesia, Pakistan, Nepal, India, Myanmar, Vietnam, Cambodia at Philippines.
Wala umanong maipakitang travel documents ang mga naaresto habang ang iba ay nakuhanan ng mga pekeng travel permits.
Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy na nilang tinututukan ang sitwasyon sa Malaysia partikular ang ulat ng umano’y pang-aabuso sa ilang Filipino worker habang nakakulong sa Kota Kinabalu. (UNTV News)