Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga kaso kaugnay ng pambubugbog kay Vhong Navarro, pagsasamahin ng DOJ

Image may be NSFW.
Clik here to view.

Kuha mula sa CCTV footage ng elevator sa condominium na tinutuluyan ni Deniece Milinette Cornejo kung saan makikita ang umano’y grupo nina Cedric Lee bitbit ang nakagapos aktor na si Vhong Navarro. (NBI / DOJ)

MANILA, Philippines — Naglabas ng utos ang Department of Justice (DOJ) para sa consolidation ng mga kasong may kaugnayan sa pambubugbog sa aktor at TV host na si Vhong Navarro.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, pagsasamahin ang mga kasong isinampa ni Vhong Navarro sa inihaing kontra-demanda ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Ito ay upang mapabilis ang pagresolba sa mga reklamo at maiwasan ang magkasalungat na resulta ng preliminary investigations.

Nitong nakaraang linggo, nagsampa si Navarro sa DOJ ng mga reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, illegal arrest at blackmail laban kina Cornejo, Lee at anim na iba pa.

Naghain naman ng kontra-demandang rape si Cornejo sa Taguig City. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481