MANILA, Philippines — Inilabas na ang resulta ng draw ng mga bansang maglalaban sa 2014 FIBA Basketball World Cup.
Kabilang sa Group B ang Pilipinas at makakalaban nito ang powerhouse team ng Senegal, Croatia, Puerto Rico, Greece at ng Argentina na koponan nina NBA star Manu Ginobili at Luis Scola.
Unang makakasagupa ng Pilipinas sa August 30 ang bansang Croatia.
Upang makausad sa next round, kailangang manalo ng dalawang beses ang Pilipinas laban sa Argentina, Senegal, Greece at Puerto Rico.
“You know for the team like the Philippines there is really no easy group for us in a competition like this everything is really going to be hard and in my mind I had mentally prepared psychologically already to be against very very tough competition,” pahayag ni Gilas Pilipinas Head Coach, Vincent “Chot” Reyes.
Ang final round ng FIBA World Cup ay gagawin sa September 6 hanggang September 14 sa Barcelona at Madrid. (UNTV News)