MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sapat ang mga ebidensiyang nakalap ng Senate Committee on Agriculture and Food upang patunayan na si Davidson Bangayan ang nasa likod ng rice smuggling sa bansa.
Ayon sa Senador, “Im sure the recommendation of the committee will be together with the findings of the committee will be to file cases against not only David Tan o Davidson Bangayan kundi sa iba pa.”
Ipinagtanggol naman ni Senador Marcos ang Department of Justice (DOJ) sa naging pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagdinig na hanggang salita lang ang pamahalaanat mabagal umaksyon.
Ayon sa mambabatas, posibleng iniipon pa ng DOJ ang mga ebidensya para lumakas ang kaso at maparusahan ang mga sangkot sa rice smuggling.
“I’m sure binubuo pa nila yung kaso para pasampa ng kaso eh magiging maganda resulta,” pahayag ni Marcos.
Kahapon, sinabi ni Justice Secretary De Lima na may resulta ang lahat ng kanilang iniimbestigahan
“Unfair po yun na sasabihing dada lang ng dada lang kami sa gobyerno, may resulta po palagi ang ginagawa naming,” anang kalihim.
Sinabi pa ni Marcos na hindi na dapat pang hintayin pa ng DOJ ang rekomendasyon ng senado dahil may mga ebidensiya na itong hawak na magdidiin kay Bangayan sa rice smuggling. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)