MANILA, Philippines – Inilabas na ng Forbes Magazine ang listahan nito ng 100 Most Powerful Women in the World.
Nangunguna sa listahan si German Chancellor Angela Merkel.
Pumangalawa si Brazilian President Dilma Rouseff, pangatlo si Melinda Gates, at pang-apat naman ang first lady ng Amerika na si Michelle Obama.
Mas mataas siya ng isang spot sa sinasabing hahalili sa kanyang asawa sa pagka-pangulo ng Amerika sa 2016, si Hilary Clinton.
Nawala naman sa Top 5 ng listahan si Oprah Winfrey. Mula sa pangatlo noong 2010, bumaba si Winfrey sa ika-labintatlong pwesto ngayong taon.
Mataas lamang siya ng apat na pwesto sa singer at actress na si Beyonce na nasa pang-labimpitong puwesto.
Para sa kumpletong listahan ng 100 most powerful women in the world, bisitahin lamang ang website na www.forbes.com. (UNTV News)