MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senador JV Ejercito ang Senate Bill 2110 o ang Mandatory Installation ng Electronic Speed Limiters sa lahat ng public utility buses para sa proteksyon ng mga pasahero.
Sa panukala, lahat ng bus na dumadaan sa EDSA ay hanggang 60-kilometer per hour (kph) lamang ang takdang speed limit, at 80 kph naman sa mga dumaraan sa expressway.
Isinulong naman ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang Senate Bill 123 na nagtataas ng parusa sa mga reckless driver ng mga pampublikong sasakyan o common carriers gaya ng bus.
Ang mga panukalang batas ay isinulong bunsod g sunud-sunod na aksidente na kinasasangkutan ng mga pampublikong sasakyan. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)