MANILA, Philippines — Nagtalaga na ang Korte Suprema ng isang panel na magsasagawa ng audit sa mga libro ng Hacienda Luisita Incorporated at Centenary Holdings Incorporated.
Binubuo ang panel ng mga audit firm na OMLL (Ocampo, Mendoza, Leong and Lim), at ang Navarro, Amper and Company, kasama ang certified public accountant na si Carissa May Penson.
Aalamin ng panel kung saan napunta ang P1.33 billion na pinagbilhan ng tatlong lote ng Hacienda Luisita partikular kung nagamit ba ito sa lehitimong gastusin ng kumpanya ng hacienda.
Mayroong 90 araw ang panel upang makumpleto ang audit at makapagsumite ng report at rekomendasyon sa Korte Suprema. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)