Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pag-iinspeksyon sa mga pampublikong sasakyan, mas paiigtingin

$
0
0

Nitong Biyernes, February 7, isang bus ng Florida Transit ang nahulog sa bangin sa bahagi ng Bontoc, Mountain Province kung saan ay 14 na buhay ang nabuwis at nasa 32 ang sugatan. Dahil dito hihigpitan na ng DOLE ang pag-i-inspeksyon sa mga bus companies kaugnay pagpapatupad ng labor standards. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Mas hihigpitan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagmo-monitor kung sumusunod sa polisiya at labor standard ang mga bus operator ng mga pampublikong sasakyan.

Ito ang pahayag ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz matapos mahulog sa bangin ang isang bus ng Florida Transit sa Bontoc, Mountain Province noong Biyernes na ikinasawi ng labing apat na tao.

“That really give us a challenge of ensuring that there should be existing monitoring system within the company jointly with the department of labor purposes of ensuring or cracking the validity of certificate of compliance of certificate that we are doing now.”

Ayon naman sa Malakanyang, magsasagawa ang LTFRB ng mga surprise inspection bukod sa mga regular na inspeksyon sa mga garahe at talyer ng mga kumpanya ng bus.

Ito ay upang matiyak ang roadworthiness ng mga pampasaherong sasakyan na makapag-biyahe ng ligtas.

Ipinauubaya naman ng palasyo sa mga mambabatas ang pagsusulong ng batas na higpitan ang parusa sa mga may-ari ng kolorum na bus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, mabigat na ang parusang pagkansela sa prangkisa ng mga kumpanya ng bus na mapatutunayang lumabag sa batas.

“You take out their franchise they are not able to operate and that’s the very severe penalty on the bus franchises,” saad nito.

Inihayag din ng palasyo na mas paiigtingin ngayon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang pagiinspeksyon sa mga PUV lalo na ngayong nalalapit na bakasyon.

Kaugnay nito, isang pagpupulong ang ipatatawag ni Pangulong Aquino sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng mga aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng mga pampublikong sasakyan. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481