MANILA, Philippines – Hindi kumbinsido si Pangulong Benigno Aquino III na gawing state witness si Janet Lim-Napoles, ang umano’y utak sa 10-bilyong pisong pork barrel scam.
Ito ang pahayag ng pangulo matapos ang pagharap ni Ruby Tuason sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa nasabing scam.
“Narinig ninyo yung joke na natanggap ko yung sa Maalaala Mo Kaya at wala siyang maalala, so far ganun pa din yata, wala pa akong nadidinig na gusto niyang ibahagi na impormasyon so paano nating masasabi na maging witness sya kung wala siyang binabahaging impormasyon.”
Sinabi pa ng pangulo na kahit magboluntaryo pa si Napoles na maging state witness sa kaso, didepende pa ito sa magiging desisyon ng Department of Justice kung ito ba ay makatutulong ng malaki sa pagusad ng imbestigasyon sa PDAF scam. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)