Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Trillanes, gustong isailalim si Tuason sa lie detector test

$
0
0

Si Ms. Ruby Tuason habang isinasalaysay ang kanyang mga nalalaman sa umano’y pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mga mababatas. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Hindi kumbinsido si Senador Antonio Trillanes IV sa testimonya ni Ruby Tuason matapos itong humarap sa Senado nitong Huwebes kaugnay ng bilyong pisong PDAF scam na kinsasangkutan ng ilang mambabatas.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Trillanes na kulang at hindi idinetalye ni Tuason ang mga pangyayari na magpapatunay ng kredibilidad ng kanyang mga sinasabi.

“Kulang yung kanyang testimonya, it was or she believes it was enough to save her from prosecution and not enough to convict anybody else.”

Hindi rin kumbinsido ang senador na hindi natatandaan ni Tuason ang halaga ng salapi na kanyang dala.

“Hindi nya alam yung nasa bag? nagbibigay ka eh, you suppose to know, and that involves millions of pesos,” saad pa ni Trillanes.

Kaugnay niyo, natakdang makipag-ugnayan ang senador sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) upang isailim si Tuason sa lie detector test.

Ayon sa senador, makatutulong ito sa pagdetermina kung nagsasabi ng totoo si Tuason.

Dadag pa ni Trillanes, layon rin nitong rebyuhin kung dapat ba talagang isailalaim sa witness protection program (WPE) si Tuason.

“I will coordinate to them papa undergo ko ng lie detector test. Gagawin nating ganun para yun ang standard para di tayo pinapa-andaran.

Dagdag pa nito, “She’s giving as enough half truth so that he case will be drop once she get admitted into witness protection program then yun na yun.”

Hindi rin pabor si Trillanes na maituturing na three-point shot ang resulta ng pagdinig kahapon

Aniya, “Ang description ko nag-di-dribble pa lang eh hindi pa nga shumu-shoot eh, baka mag-mintis pa eh di ba, sa akin nung nag testify na sya eh mintis.” (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481