Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV Cup Season 2, may serbisyo publiko sa mga game venue

$
0
0

Ang UNTV Action Center na bahagi ng public service ng UNTV Cup kung saan ang mga kasaling government agencies ay may table upang ang mga manonood sa game venue ay may pagkakataon ring makapagdulong ng kanikanilang mga hinaing o concerns. (LEONARDO ESTABILLO / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Nagsimula na rin ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong ang action center na binubuo ng mga koponan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na kalahok sa UNTV Cup Season 2.

Ang UNTV Action Center ay isa sa ideya ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na mailapit sa publiko ang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno na kalahok sa inter-government basketball league.

Nitong Linggo, isa sa mga dumulog sa MMDA desk sa Ynares Sports Arena sa Pasig ang taxi driver na si Romeo Omega.

Daing nito, hinuli at kinuha ang kaniyang lisensya ng isang MMDA traffic enforcer sa Commonwealth Avenue subalit wala namang ibinigay na ticket.

Ani Mang Romeo, “Siyempre po kailangan ko makuha ang lisensya ko, paano ako makakapaghanap-buhay kinuha niya ang lisensya ko, walang ticket na kapalit.”

“Papatawag din enforcer para marinig side niya kung sa tingin namin may maling ginawa pwede nating I file ng administrative case laban sa enforcer,” sagot naman ni Atty. Cesar Ona ng MMDA Legal.

Lumapit naman si Jesse Villareal sa Philhealth desk para alamin ang tamang proseso ng Philhealth deduction.

Ani Jesse, “Kasi na-confine asawa ko, ang alam namin is P15,000 ang ibabawas sa Philhealth, eh P5,000 lang. Inaalam ko lang paano proseso ng bawasan nila.”

Sagot naman ni Raymond Acoba, NCR-Public Relation Unit Head, “Titingnan natin kung complicated measle siya. P15,000 ang makukuwa niya ma check sa benefit payment ng Philhealth.”

Nais namang malaman ng retired police na si Manuel Santos, 67, ang mga requirement upang ma-avail ang lifetime benefits ng Philhealth.

Ayon kay Mr. Acoba, may mga programa ang Philhealth para sa mga senior citizen na hindi na kailangan pang magbayad ng monthly contribution, na tinatawag na non paying program.

Samantala, mula sa Taguig City ay nagsadya pa si Mang Godofredo Nuñez sa Ynares Sports Center upang idulog ang kanyang problema sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Mang Nuñez, malaki ang kanyang pasasalamat sa UNTV at agad nasolusyunan ang kanyang problema.

Aniya, “Naririnig ko sa TV sa radio meron pala doon kaya pumunta ako dito ngayon. Ayon nagawan naman ni sir, mabilis nga eh na ano niya agad sa Kalookan.”

“Tinawagan ko ngayon si Sr. Supt. Tambawa, chief of police ng Caloocan,” pahayag ni Supt. Remi Segado ng Police Community Relation Group.

Samantala, personal namang pumunta si MMDA Chairman Francis Tolentino sa game venue upang suportahan ang kanilang koponan at pangunahan ang serbisyo publiko ng ahensya.

Ani Tolentino, “Siguro sa flood control madadagdagan namin sa coming days kung may reklamo sila na i-declog drainage namin bumabaha dito, mga ganun.”

Isa naman sa serbisyo na ipinagkakaloob ng Senate desk ay ang medical assistance na nagkakahalaga ng P2,000 na maaring magamit sa hospital bills, medicine, at dialysis.

“Pag may lumapit na indigent patient ine-rerefer namin sila sa mga hospitals like PGH or Heart Center tapos bahala na hospital sa referral na ibibigay naming,” saad ni Nineveh Lao, Public Assistance Center.

Maaari ding magbigay ng job referral ang Senate desk para sa mga naghahanap ng mapapasukang trabaho. (JP Ramirez / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481