MANILA, Philippines – Magtatakda na ang Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) ng fare rate o matrix para sa mga school service.
Ito’y sa harap ng reklamo ng mga magulang kaugnay ng taunang pagtaas sa pasahe ng mga school bus.
Ayon kay Atty. Winston Ginez, ang chairman ng LTFRB, may prevailing o umiiral na rates ang ahensya para sa pasahe sa mga school bus subalit hindi ito naipatutupad.
Tiniyak naman ni Ginez na tututukan niya ang pagtatakda ng fare matrix para sa mga school service upang maiwasan ang pag-abuso ng mga operator.
Hinikayat rin niya ang mga magulang na ipaabot sa kanilang tanggapan ang anumang reklamo o suhestyon na maaaring makatulong upang masolusyonan ang mga isyung may kinalaman sa school service. (UNTV News)