MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Ala-6 kaninang umaga, nagtaas ang Shell, Petron at Caltex ng P0.30 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasoline.
Nagtaas din ito ng P0.45 sa kada litro ng kerosene, habang P0.40 naman sa diesel.
Ang ikatlong sunod na oil price hike ay bunsod umano ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. (UNTV News)