MANILA, Philippines – Tututukan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa huling dalawang taong termino ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapababa ng poverty incidence sa Pilipinas.
Batay ito sa updated Philippine Development Plan o PDP.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, hindi magiging madali upang maisakatuparan ang target na ito ng pamahalaan.
Paliwanag nito, kung magkakaroon ng sustainable growth ang bansa, aabutin pa ng hanggang dalawampung taon bago tuluyang masolusyunan ang problema sa kahirapan.
“That’s why I said growth is necessary but not sufficient because there are some countries that can grow fast without necessarily being accompanied by equally fast poverty reduction,” saad ni Balisacan.
Ngunit determinado ang administrasyon na mapababa hanggang 18 percent ang poverty incidence sa bansa, habang 6.5% hanggang 6.7% naman sa unemployment rate.
Ani Balisacan, “We are committing to quality of life targets: raise the quality of employment and overall quality of life. The former will be reflected as a reduction of underemployment to about 17 percent in 2016 and the latter, as a reduction of the incidence of multidimensional poverty incidence to 16-18 percent.”
Hindi naman direktang sinagot ni Balisacan kung sangayon ito sa panukalang pag-amiyenda sa konstitusyon partikular na ang economic provisions nito.
Ayon sa kalihim, mas ibig niyang tutukan ang mga kasalukuyang nakalatag na mga plano ng administrasyong Aquino.
“I would rather push for these things that I believed,”dagdag pa nito. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)