MANILA, Philippines – Nagtungo ang mga miyembro ng minorya sa opisina ni Senator Jinggoy Estrada sa senado upang magbigay ng suporta sa senador na ngayo’y nagdiriwang rin ng ika-limampu’t isa nitong kaarawan.
Kabilang sa mga bumati kay Estrada sina Senador Juan Ponce Enrile, Tito Sotto, Gregorio Honasan, Nancy Binay, JV Ejercito at Bong Revilla Jr. at nagbigay ng mensahe sa senador na ipinagdiriwang ang kanyang ika limamput isang kaarawan.
“In fairness I see him na ang galing niya magdala ng problema parang di niya pinababayaan na maapektuhan ang trabaho nya,” ani Senador Nancy Binay.
“Nalulungkot ako pero alam ko kaya niya yan at paligayahin niya siya sa araw na ito,” biro naman ni Senador Bong Revilla.
“Just continue prayer if you’re… kumbaga if everything against you that’s the fall back, saad naman ni Senador JV Ejercito.
Ayon naman kay Enrile, “I hope he will hurdle all the challenges before him and he will become the president of the country.”
Bumisita rin sa senado ang ama ni Senador Jinggoy na si Manila Mayor Joseph Estrada, mga anak ng senador at malalapit na kaibigan.
“They are conditioning the minds of the people thru publicity that they are already guilty but people is innocent until proven guilty,” pahayag ni Mayor Erap.
Samantala, inihayag rin sa pagtitipon ni Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile na hindi sila apektado ng pagharap ni Ruby Tuason sa senado kaugnay ng pork barrel scam.
Ayaw na rin umano niyang magkomento sa testimonya ni Tuason dahil may nakabinbin na aniyang kaso ukol dito.
“Alam mo given na yang mga imbestigasyon na yan iba ibang agenda at motibo ok lang yun sa akin at sa amin,” saad ng senador. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)