Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

De Lima, hindi kumbinsidong si Enrile ang nasa likod ng pagtestigo ni Ruby Tuason

$
0
0

FILE PHOTOS: Senator Juan Ponce Enrile and new pork barrel scam ‘witness’ Mrs. Ruby Tuason (inset photo). CREDITS: Photoville International and UNTV News

MANILA, Philippines – Malayo sa katotohanan ang pangamba ni Senador Antonio Trillanes IV na posibleng kagagawan ni Senador Juan Ponce Enrile ang pagtestigo ni Ruby Tuason sa 10-bilyong pisong pork barrel scam.

Ito ang reaksyon ni Secretary Leila De Lima sa lumabas na mga ulat na posibleng may pananabotahe sa kaso ng pork barrel scam ang pagtestigo ni Tuason.

“I doubt the veracity of his suspicions, yung sinasabi niyang ang responsible for the surfacing of Ruby Tuason is JPE or JPE’s camp na baka nga raw si JPE ang magpo-provide ng P40 million na isasauli. I think these are far out suspicions,” saad ng kalihim.

Una nang lumabas sa mga pahayag ni Trillanes na tila ipinagtatanggol umano ni Tuason si Enrile sa pagdinig ng senado nitong nakaraang Huwebes.

Ngunit ayon kay De Lima, nadismaya lamang ang senador nang hindi nito makuha ang gusto niyang sagot mula kay Tuason.

“Kasi kaya medyo frustrated si Sen. Trillanes is because hindi niya nakuha yung inaasahan niyang sagot lalo na dun sa tanong “do you believe JPE is involved.”

Pahayag pa ng kalihim, “Unang-una ang ganung klaseng tanong “do you believe”, it calls for an opinion when a witness is supposed to be just testifying on the basis of his/her personal or direct knowledge.”

Sinabi pa ni De Lima na tama lamang ang naging pagsagot ni Tuason sa mga tanong sa pagdinig ng senado dahil sinabi lamang nito ang kanyang personal na nalalaman.

“Hindi natin pwedeng i-impose sa kanya yun na sabihin niya ng deretso na oo,” saad pa ni De Lima. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481