Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, LGU, at Judiciary, wagi sa elimination round ng UNTV Cup Season 2

$
0
0

Bumandera sa unang elimination game nitong Linggo sa UNTV Cup Season 2 ang paghaharap ng PNP Responders at Malacañang Patriots. (FREDERIC ALVIOR / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang bakbakan sa basketball court ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makuha ang kampeonato sa UNTV Cup Season 2.  Nagwagi ang Team Philippine National Police laban sa Malakanyang Patriots sa first game sa Ynares Sports Arena, Shaw Boulevard, Pasig City nitong Linggo.

Sa score na 67-61, tinuldukan ng PNP Responders ang buena-manong dikitang laban.

Lumamang pa ng 5 points ang Patriots sa pagpasok ng fourth quarter sa score na 45-50. Sinundan pa ito ng tres ng PSG outside shooter na si Rodney Daniel upang iabante sa 8 puntos ang Malakanyang. Subalit napako na ang mga taga Malakanyang at maagang nabigyan ng penalty. Sa last two minutes ng laro, namayani na ang veteran players ng PNP upang bumulusok ang magagandang running play ng Responders.

Nagtala ng 21 points, 3 assists, at 2 steals ang season-1 MVP, “The Sniper” PO2 Ollan Omiping upang tanghaling player of the game. (DOMINADOR REYES Jr. / Photoville International)

“Nahirapan din kami kaya medyo match kami sa height at sa ability, match talaga. Kailangan talaga naming, depensahan muna namin sila. Yun naman nangyari na-stop namin sila, then pagbalik namin isang magandang play para maka-convert so yun lang para maunit-unti namin yung lamang nila,” saad ni Omiping.

Sa second game… tinapos ng LGU Vanguards sa 66-59 ang laban kontra MMDA Black Wolves. Pukpukan din ang paghaharap ng dalawang koponan. 13-15 sa first quarter pabor sa MMDA. Nakuha pa rin nito ang kalamangan sa second half 32-33, dahil sa mga back-to-back assist ng re-enforcement players nito na sina Jeffrey Sanders at Cyril Santiago.

Napag-ambag sa MMDA Black Wolves ng pinagsamang 40 points, 24 rebounds 9 assists, 8 steals at 7 blocks ang 2 reinforcement nito na sina Jeff Sanders (#71) na ex-PBA at MBA player at Cyril Santiago (#7) na dating FEU Tamaraw player at center ng Barangay Hoopsters. (RUSSEL JULIO / Photoville International)

Ngunit nagsilbing scoring machine si dating Sta. Lucia PBA player Kiko Adriano upang iangat ang Team LGU sa third period. Tabla sa 62 ang score sa last two minutes. Hero of the day si Brgy. Poblacion Biñan Laguna Chairman Jayson Souza matapos dominantehan ang gulong ng bola at magbigay ng magagandang assists kay Adriano sa huling minuto ng laro.

Ang tinanghal na Player of the Game na si Biñan Laguna Brgy. Captain Jayson Souza, jersey #20 ng LGU Vanguards. (RODEL LUMIARES / Photoville International)

Ani Souza, “Nakita ko kasi ang oras, medyo crucial. Ang nasaisip ko kapag meron akong chance eh ititira ko talaga. Kaya buenas lang Thank God!”

Nasa game venue si MMDA Chairman at Black Wolves Manager Francis Tolentino upang sumoporta sa kanyang team. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

At sa last event… nagdiwang ng ika-48 taong kaarawan si Supreme Court Administrator Midas Marquez kasabay ng pagkapanalo ng kanyang koponan kontra AFP Cavaliers kagabi sa score na 84 to 72.

(L-R) Pinangunahan ng ‘Big 3’ ng Judiciary Magis na sina Don Camaso, celebrity guest player John Hall at Ariel Capus ang opensa ng team kung saan na ilang tatlo ay nakapagpondo ng kabuuang 70 puntos. (MADELINE MILANA / RUSSEL JULIO / Photoville International)

Samantala, pilit na sinubukang dumikit ng Team Armed Forces of the Philippines ngunit maagang na foul trouble ang mga big man nito.

Nagatala si Ariel Capus ng 26 points.

Samantala pumukol si Don “The Hammer” ng 25 points, at 19 defensive rebound upang dalhin ang koponang Judiciary.

“Buenas siguro tsaka slow start kami talaga. Pero ngayon nagawan namin ng paraan at depensa lang namin at nagusap-usap kami,” pahayag ni Camaso.(Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481