Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pamamahagi ng kumpensasyon sa mga biktima ng Martial Law, mamadaliin

$
0
0

FM DECLARES MARTIAL LAW (FILE IMAGE by The Official Gazette)

MANILA, Philippines — Aabutin na lamang ng dalawang buwan bago maipamahagi ang 10-bilyong pisong kompensasyon para sa mga biktima ng Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay PNP Retired General Lina Sarmiento, chairman ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB), 30 days ang inilaan nila upang makumpleto ang mga tauhan na siyang bubuo ng implementing rules and regulations sa loob ng 15 araw.

Panibagong 15-araw naman ang inilaan nila upang i-publish sa dalawang pahayagan ang IRR nito bago ito tuluyang ipatupad.

“Hanggat maaari ay bibilisan namin kung kaya namin yung guiding principle namin sa board, hangga’t maari mas mabilis mas mabuti, wag na nating patagalin pa.”

Nilinaw din ng opisyal na ang pangunahing trabaho nila ay ang tumanggap, mag-proseso, busisiin, at imbestigahan ang mga aplikasyon ng mga biktima.

Base sa inisyal na tala, nasa 9-libo na ang claimants bukod pa sa mga hindi nakasama sa hawak nilang listahan.

Idinagdag pa ni Lina na pagaaralan pa rin nila  ang point system na nakasaad sa batas para sa halagang dapat tanggapin ng mga claimants base sa  tinamong paglabag sa kanilang karapatan.

“Nakikiusap tayo don sa mga iba na sana ay suportahan yung pagpapatupad ng batas na ito dahil importanteng mabigyan natin ng hustisya yung mga dapat mabigyan at upang magumpisa na ang healing process,” saad pa nito.

Nagbabala din ang heneral sa mga fake claimant na huwag nang tangkaing lokohin ang kanilang tanggapan dahil maaari silang makasuhan.

“Ang maganda dito sa batas ay merong provision para sa mga fake claimants, so pwede silang i-prosecute, perjury yun eh.” (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481